ctto:


SA ILANG SEGUNDO LANG NATANGGALAN MO NG KALAYAAN ANG SARILI MONG BUHAY


Netizens, Netizens, Netizens,

Hindi naman ako kataas-taasan para pakinggan pero sana kapag nagagalit tayo sa ibang tao pilitin nating ikalma yung sarili natin, huminga ng malalim at isipin ang magiging resulta ng gagawing aksyon kung makakabuti ba ito o makakasama.

Huwag maging padalos-dalos sa mga ginagawang desisyon sa buhay, mas maiging pagnilay-nilayan muna ito bago isagawa ang mga bagay na naiisip ninyo.

dahil minsan may mga bagay tayong nagagawa na sa huli na natin naiisip o nare-realize na mali at hindi dapat pala natin ginawa yung action nay un, dapat pala di tayo nag salita nun dahil may masasaktan.

Ang mga simpleng away pwedeng mauwi sa madugong pangyayari na maaari ring ikawala ng kalayaan ng isang tao.

Sa ilang minuto maaaring selda ang kahantungan ng isang tao may kasalanan at rehas ang himasin nito maaari ring madilim na kwarto at madamong gubat upang makapagtago sa batas na tinutugis ito para lamang mapagbayaran ang nagawa nitong krimen.

Sa panahon ngayon talamak ang nangyayaring patayan sa ibat-ibang panig ng bansa, maaaring tapos na ang oras ng mga taong nasawi at para naman sa mga nakaligtas at patuloy na nasisilayan ang ganda ng mundo ay maaaring may mga misyon pa silang dapat isagawa at tapusin para sa kanilang buhay kung kaya ginarantiyahan ito ng pangalawang buhay ng may kapal.

Nawa ay matigil na ang mga nangyayaring karahasan sa ating mundo, dahil para sa akin tanging Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay na ipinahiram niya sa atin at walang sinuman ang maaaring gumawa nito kundi siya lamang.

Sana ay pagmamahalan at kabutihan nalang ang manaig sa puso ng bawat isa at hindi ang poot na ikinakasawi ng maraming mamamayan.

Comments

Popular posts from this blog