Ilang kwento ng buhay na ba ang napanuod at narinig mo?
Lingid sa ating kaalaman na sa bawat isang bata na nakikita natin lansangan ay may kanya-kanyang kwento na ika-aantig ng ating puso’t damdamin.
Hindi man nila kasalanan na mahirap silang isinilang ngunit sabi nga ng iba kasalanan na nila kung hindi sila magsisikap at habang buhay nalang lalanghapin ang simoy ng hangin sa tabi ng kalsada.
Ibat-ibang kwento at istorya at iba’t-ibang karanasan rin ang maaaring marinig natin sa bawat batang nakikita natin sa kalsada.
Sinong hindi maaantig ang dadamin kung makikita mo ang isang musmos na bata na kumakain ng nakakamay, madungis at tanging asin lamang ang ulam?
Sa mga batang namamalimos sa kalsada upang maisalba ang kanilang gutom sa isang araw, sa mga batang nag sisikap na magkaroon ng kita sa isang araw upang ibigay sa taong mahigpit na nagmamasid sa kanila araw-araw sa isang pamilyang maghahati-hati ng kakarampot na pagkain para maibsan ang kanilang gutom sa mga batang umaasa sa pagkaing tira-tira at nasa loob ng basurahan at ang matulog maalikabok, mausok, malamig at mabahong singaw ng kalsada.
Libo-libong mga kabataan ang napagkaitan ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay, isa rin ito sa nagiging sanhi ng pagsubok ng mga kabataan sa mga maling gawain katulad ng pag ru-rugby, pag dudrugs at kung ano -ano pa.
Hindi ba dapat ay nananatili lamang sila sa kanilang mga tahanan habang masayang nakakasama ang pamilya, nakakapaglaro ng tila abot langit ang ngiti na wari mo’y walang problemang kinakaharap at hindi sa maruming kalsada at basura umaasa ng makakain sa isang araw.
Mayroong mga ahensya na tumutulong sa mga batang lasangan sa pamamagitan nito natutulongan nila ang mga batang magkaroon ng kaalaman at mabago ang kani-kanilang pananaw sa buhay,
Bigo man ang mundo na maisaayos ang
buhay ng mga taong nasa laylayan ngunit nawa ay lagi nilang itatak sa kanilang
puso’t isipan na nariyan ang diyos upang sila ay bantayan sa bawat araw na dumadaan.
Comments
Post a Comment