ctto: SA ILANG SEGUNDO LANG NATANGGALAN MO NG KALAYAAN ANG SARILI MONG BUHAY Netizens, Netizens, Netizens, Hindi naman ako kataas-taasan para pakinggan pero sana kapag nagagalit tayo sa ibang tao pilitin nating ikalma yung sarili natin, huminga ng malalim at isipin ang magiging resulta ng gagawing aksyon kung makakabuti ba ito o makakasama. Huwag maging padalos-dalos sa mga ginagawang desisyon sa buhay, mas maiging pagnilay-nilayan muna ito bago isagawa ang mga bagay na naiisip ninyo. dahil minsan may mga bagay tayong nagagawa na sa huli na natin naiisip o nare-realize na mali at hindi dapat pala natin ginawa yung action nay un, dapat pala di tayo nag salita nun dahil may masasaktan. Ang mga simpleng away pwedeng mauwi sa madugong pangyayari na maaari ring ikawala ng kalayaan ng isang tao. Sa ilang minuto maaaring selda ang kahantungan ng isang tao may kasalanan at rehas ang himasin nito maaari ring madilim na kwarto at madamong gubat upang makapagtago sa batas na tin...
Posts
Showing posts from May, 2023
- Get link
- X
- Other Apps

:CTTO: Ilang kwento ng buhay na ba ang napanuod at narinig mo? Lingid sa ating kaalaman na sa bawat isang bata na nakikita natin lansangan ay may kanya-kanyang kwento na ika-aantig ng ating puso’t damdamin. Hindi man nila kasalanan na mahirap silang isinilang ngunit sabi nga ng iba kasalanan na nila kung hindi sila magsisikap at habang buhay nalang lalanghapin ang simoy ng hangin sa tabi ng kalsada. Ibat-ibang kwento at istorya at iba’t-ibang karanasan rin ang maaaring marinig natin sa bawat batang nakikita natin sa kalsada. Sinong hindi maaantig ang dadamin kung makikita mo ang isang musmos na bata na kumakain ng nakakamay, madungis at tanging asin lamang ang ulam? Sa mga batang namamalimos sa kalsada upang maisalba ang kanilang gutom sa isang araw, sa mga batang nag sisikap na magkaroon ng kita sa isang araw upang ibigay sa taong mahigpit na nagmamasid sa kanila araw-araw sa isang pamilyang maghahati-hati ng kakarampot na pagkain para maibsan ang kanilang gutom sa mga...